Kung makikita mo ako
sa pag-ikot ng mga pangakong taon ang inabot
Hawakan mo ako. Ramdamin mo.
Hilahin mo akong muli
nang maramdaman kong ‘di ako nag-iisang umiikot
sa sariling araw na nilikha ko
nilikhang liwanag sa dilim
para ikubli ang pag-iisa
itago ang pag-aalala
Turuan mo akong muling tumingin sa buwan
At lumangoy sa dagsang liwanag ng mga bituin
bago lisanin ang muling pagtatagpo ng mga paningin.
Nagbabakasakali na sa hinagap ng hininga
masambit muli ang pangangamusta
Mapawi ang pananabik
Tula mula sa pelikulang “Tayo sa huling buwan ng taon”